Saturday, December 10, 2011

Milkita's Announcement On Gianne's Birthday Treat

Here's the post of Milkita for Gianne's Birthday Treat.



Milkita Lollipop's Post On Facebook


With the Comments..



Thank you very much Milkita for Gianne's Birthday Treat!!

Gianne's 2nd Birthday Party Celebration

December 4, 2011

Maulan na umaga ang bumangad sa amin pagkagising pa lang. Nagumpisa sa ambon ambon. Pinaglinis ko muna si Jjay ng bahay bago kumain.

Mga around 10:30am eh pumunta kami ni Ken sa SM para mamili pa ng kulang, tasty, chicken lollipops, ice cream, ice cream cone, coke, mantika. Hehe. 12:30 na kami nakauwi sa bahay at maulan pa din.

Pagdating ko sa bahay, aba aba, hindi pa natutulog ang birthday celebrant haha. Nagpahinga muna kami sa kwarto at mga 1:30pm eh nakatulog na din siya. Binilin ko kay Jjay na manghiram na ng lamesa at iclear na ang garahe, may mga nakatambak pa kasi dun eh, yun mga kung ano-anong abubot.

Pina-akyat ko si Jjay ng mga around 2:30pm para pabantayan si Gianne kay Roy para makapaglagay na kami ng balloons. Nagdecide na nga lang ako na balloonderitas na lang ang ilagay kasi kapos na sa oras at maulan din, hindi kami makapwesto. Buti na lang at naisip ko na ang magiging pwesto lahat ng gagamitin namin. Laking pasasalamat sa Smart Parenting Forum. Inuna ko na ang candy buffet, napaka simple lang haha.

Mga 3pm sabi ni Jjay na nagtext sila Mama niya na nasa airport road na pala siya, kaya naligo na muna ako agad dahil nakakahiya naman na hindi pa kami nakakaligo pag dumating sila, nagpainit na rin ako ng tubig para kay Gianne dahil tulog pa naman siya eh. Sakto pagkatapos ko maligo after mga 10 minutes eh sabi ni Jjay na dumating na sila Mama niya saka yun cake. Nagmadali na akong magbihis para makababa na agad.

Andun na nga si Ms. Joanne ng SID's Party Favors at binabayaran na nga ni Jjay. Andun na rin si Mama niya at tumutulong sa pag ayos ng garahe. Sakto naman at naayos na rin nila ang balloonderitas, kaso kinagulat ko ang daming balloons na ginawa. Haha. Nilagay ko na lang sa ilalim ng lamesa ang mga balloons. Sakto rin pagkakulo ng tubig eh gising na si Gianne, ayun iyak ng iyak, ewan ko ba, baka dahil sa bagong gising. Pinaliguan ko na rin after 5 minutes para mawala ang sumpong. Binilisan ko na ang pagpaligo at pagbihis sa kanya at bumaba na kami. Almost 4pm na rin yun, at maya maya pa eh dumating na rin sina Ninong Franz at Ninong Melvin, tumulong pa sila sa pagdagdag ng candies sa pabitin.. Lumabas muna sila Franz at Melvin dahil daw aantayin sila Rodel at Jay-R. Pinalabas din ako ni Tita Lani para ayain na ang bata. Buti nga that time eh tumigil ang ulan. Nun nagtatawag ako ng bata at pabalik na sa bahay eh nakita ko si Gianne, aba naka party hat at naglalakad, F na F ang outfit. LOL!

Mga 4:30pm eh dumating na ang mga bata at pinakain na muna namin dahil wala si Franz at nasa labas siya. Sinerve na namin sa kids ang spaghetti, chicken lollipop, hotdog w/ marshmallow, tasty, saka ang cupcake. After ilang minutes eh dumating naman na sila Franz, hahaha! Pinakain ko na muna sila para busog naman ang emcee hehe. After eating eh niclear ko yun garahe ng mga tables para makapag cake blowing na si Gianne. Medyo nagtopak si Gianne haha. Ayaw dun sa cake blowing. Buti na lang at natapos din. Nag games na din kami agad. Longest happy birthday, pinoy henyo at hi-ro contest for kids. Pero walang papatok sa Dede drinking contests ng mga ninong. Haha. Around 6pm eh natapos na din ang games. Sakto sakto lang din talaga. Hehe. Un mga ninong ni Gianne eh nagstay pa hanggang 9pm, nanood pa ng basketball haha.

Over all , success ang party kahit na madami ang hindi nakapunta pero ok lang din, naging intimate ang party at talagang nakita kung sino ang mga nagmamahal kay Gianne, na kahit rain or shine, pupunta pa din. Many thanks sa mga pumunta! Kahit na aligaga ako sa party at hindi nakakain, ok lang, nakita ko naman na nag enjoy si Gianne with the kids eh. Hindi ko na naisip ang pagod at siyempre ang gastos.

Eto pala ang breakdown ng mga gastos namin for the day

1st Divisoria Trip
[lootbags, prizes, souvenirs, candy clappers, piñata, pabitin, dress ni Gianne] - 2,073 pesos
Metromall Trip [prizes, shoes] - 255 pesos
DIY Materials - 100 pesos
2nd Divisoria Trip
[balloons, tarp printout, guest sign board, spoon, forks, cups, plates] - 900 pesos
Cake and Table & Chair Rentals of SID's Party Favors - 2,070 pesos
Candies, Biscuits & Zesto in Puregold - 775.25 pesos
Chicken Lollipops, Mantika, Coke, Ice Cream, Ice Cream Cone in SM Sucat - 1,332.56 pesos
Ref Magnets of Unliprintshoppe - 510 pesos
Print out of Invitations - 60 pesos
Pansit of Cucos - 600 pesos
Damit namin ni hubby - 500 pesos

Total Expenses - 9,175.81 pesos

Ang spaghetti eh c/o ng Mama ko tapos yun Embutido, Krema de fruta saka hotdog w/ marshmallow eh c/o naman ng Mama ni Jjay. Can't believed it ito lang ang gastos namin haha. Parang bongga na ang party. Kung hindi lang umulan talaga, malamang eh mas naging bongga pa because of the balloon decorations. Nakatipid din kami dahil nanalo si Gianne sa Milkita, isang supot ba naman ng candies. Hehe.

Sa nag iisa ko na supplier na SID's Party Favors, wala ako masasabi, thumbs up talaga at peso power talaga. Hehe. Sa next party, hindi ako magdadalawang isip na sila pa din ang kunin ko, madaling kausap at on time. Masarap pa ang cupcakes at cake. All praises ang cupcake tower ko nun party ni Gianne.

Na-miss ko lang tuloy bigla ang pagprepare ng party ni Gianne, kaya kahit siguro na nagdecide kami ni hubby na sa 7th birthday na ulet ang party ni Gianne, yan ang hindi natin masasabi. Malay niyo next year meron ulet hahaha!!

You can view pictures here:
Gianne's 2nd Birthday Celebration Pictures

Thursday, December 8, 2011

Papa and Mama's Outift In Gianne's Birthday Party Celebration

Here are our outfits in Gianne's Birthday Party Celebration.


Papa's Shirt - only 300 pesos


Mama's Shirt - only 200 pesos


Mura lang ang binili namin yet magagamit pa namin, binili namin yan sa SM Sucat Department Store, 3rd Floor, laging sale dun eh hehehe. At least color coordinated pa din kami sa birthday ni Gianne.

Receipts Receipts On Gianne's Party

Here are the receipts in Gianne's Birthday Party. Talagang pinicturan no? Hehe


Receipt of Milkita Lollipop's Birthday Treat For Gianne


Receipt on Puregold. Candies, Zesto, Biscuits


Amount on Puregold's Receipt


Sid's Party Favors Breakdown on the package


SM Sucat Receipt. Chicken Lollipop, Breading, Ice Cream, Cones, 6 Cokes


Amount on SM Sucat's Receipt


Receipt of the tarp and the guest sign board on Divisoria

Monday, November 28, 2011

Updates Updates!! 6 Days To Go!!

Today, nagdeposit na ako para sa payment ng ref magnets sa UnliPrintshoppe.. Hay, grabe haba ng pila sa BPI, 1 hour ako dun. Pero dapat magtiis kasi para maasikaso na nila ang order ko, malapit na kasi. Sabi nila 2 days gagawin tapos 1 day shipping, sana walang delay!! Will text them on Wednesday para makibalita sa order ko! Hehe

6 Days!!

Papa Jjay's Trip To Divisoria

Kahapon, pumunta si Papa Jjay sa Divisoria para kumpletuhin na ang mga kulang namin para sa birthday ni Gianne.

Here's the list together with prices.

5" White Balloons - 55 pesos / 50 pcs
5" Red Balloons - 55 pesos / 50 pcs
Nylon String - 60 pesos

Pog - 45 pesos / 3 packs

Plastic Cups - 100 pcs
Paper Plates - 75 pcs
Spoon and Fork - 50 pcs
Square Paper Plates - 50 pcs

Hindi nakuha ni hubby kung magkakano bawat isa ang cups, plates, spoon and forks saka yun square paper plates pero 206 pesos daw lahat yun.

Tarpaulin - 150 pesos / 3 x 2 feet
Guest Sign Board w/ frame - 250 pesos

Hindi siya nakabili ng linking balloons kasi either assorted or may print yun balloons. So babalikan na lang niya ulet yun.

Sunday, November 27, 2011

The Guest Sign Board

Finally, nakapag pagawa na kami ng guest sign board, pumunta si Papa Jjay kahapon sa Divisoria para magpaprint, it only cost 250 pesos with frame pa!


The guest sign board..


The guest sign board and the model!! Hehe

The Lootbags

Sa sobrang excited ko sa party ni Gianne, hindi na ako nakatiis, inayos ko na ang lootbag hahaha!!

Here are some pictures


Habang nasa supot pa..


Lootbag fillers and some prizes


Lootbag


Finished product! Bow!


Ginawa ko to habang tulog si Gianne para wala istorbo kasi for sure eh guguluhin niya lang yun hahaha

Friday, November 25, 2011

Name Tags & Towel Lollipops

Here are my finished products to be used in Gianne's 2nd Birthday on December 4.



 Name Tags [already cut]



Towel Lollipops




I just hope that guests will appreciate these things.

Thursday, November 24, 2011

9 Days To Go!!

There's 9 days left to go before Gianne's 2nd birthday party celebration.

All my layouts are finally done and some of them are already printed out in our home printer: the name tags, thank you tag cards, stickers in the towel lollipops & guest list.

But there are layouts still left to be printed outside, like the tarpaulin, invites and the guestboard; which will be printed by my hubby, Jjay at Divisoria when he goes there this Sunday. He will also be buying balloons that are going to be used for that day and maybe small plushy toys to be given to toddlers that are aged 2 years old and below.

I've already paid the downpayment for our cake supplier, Sid's Party Favors last Tuesday, November 22, 2011 and she confirmed our payment.

About the ref magnets, I've sent an email to UNLIprintshoppe regarding my concern about their bank details so that I can make my payments.

I'm still waiting if Gianne will win Milkita Lollipop's Birthday Treats up to next week. I will be buying candies for the candy corner maybe 1 or 2 days before the party.

I'm so excited for Gianne's 2nd Birthday Party!!

Ref Magnets

This is my layout for the ref magnets that will be given to Gianne's godparents and close relatives. I hope they'll like it


The Final Invitation

At last, here's the final invitation [this is true ^_^]


Saturday, November 19, 2011

Towel Lollipops

Here are the towel lollipops me and hubby Jjay made.


Papa Jjay in action..


His finished product


Modelling his finished product [very proud of himself ^__^]


After that, we made some revisions on the towel lollipop he made.


Glue Gun


Ribbons for the towel lollipop


Ribbons with attached wire

Towel lollipop stickers


Here's my finished product ^_^


Actually kulang na lang ito ng thank you card and go go go na siya. Hehe. Post ko na lang ulet pag nagawa ko na ang thank you card na para sa towel lollipop.

Final Layout For Gianne's Birthday Invitation

Sa wakas natapos din ang invitations ni Gianne para sa upcoming 2nd birthday party niya.




Still left to do.. Layouts for thank you cards, ref magnets, guestboard and tarpaulin.

Sunday, November 13, 2011

Layout Layout Layout

I've been spending most of my free time doing layouts for Gianne's 2nd Birthday Party Celebration.

Things that I've accomplished:
- Ref Magnets Layouts [just waiting for Gianne's picture]
- Thank You Tags [just waiting for Gianne's picture]
- Name Tags [finished]
- Guest List [finished]

Things left to do:
- Tarpaulin Layout
- Guestboard Layout

Dumudugo na utak ko kakaisip kung anong magandang design para sa mga gagawin ko. Hehe.

20 days to go!

Saturday, November 12, 2011

Layout For Ref Magnets

Eto naman ang ginawa ko na layout para sa Ref Magnets. Kulang na lang ang picture ni Gianne at unting edit na lang pagkatapos nun, dahil inaantay ko pa ang sagot ng Unliprintshoppe kung anong size ang dapat na ibigay ko sa kanila na layout. Hindi ko pa din alam kung ok na rin ang ganito or dagdagan ko pa ng clouds clouds or something. Pero for the moment, ok na muna ito.




Excited na ako sa darating na birthday celebration ni Gianne. 3 weeks to go!!

Name Tags

Here are the name tags that I made for Gianne's 2nd Birthday Celebration.

Simple.

Medyo malaki nga lang ang size ng unang ginawa ko, pero gumawa ulet ako ng maliit ng unti, and all set na. Hehe. Naka print lang siya sa photopaper and lalagyan ko na lang sa likuran ng double adhesive tape.



Wednesday, November 9, 2011

DIY Name Tags

Here's my DIY Name Tags for Gianne's Birthday




Simple lang siya, pero proud ako diyan ah, pinagpaguran ko din yan. Haha.

Still many things left to do.. 23 days left!!

Tuesday, November 8, 2011

Uniwide Metromall Las Piñas Trip For Gianne's Birthday

November 8, 2011

Pumunta ako sa Uniwide Metromall sa Las Piñas para tumingin ng mga kulang ko pa na items para sa birthday ni Gianne, nagbakasakali ako kasi ayaw ko na pumunta pa ng Divisoria kasi sobrang siksikan na daw talaga dun sa mga panahon ngayon. Swerte ko dahil sa unting pag ikot ikot eh may mga nahanap ako na great finds sa mall na yun.


Cellphone Pouch - 15 pesos each


Yoyo & Rubix Cube - 10 pesos each


Shoes - 150 pesos


Oh di ba, peso power hahaha. Sa sobrang tuwa ko nga eh napabili ako ng sapatos pa ni Gianne. Nakita ko kasi yun style ng sapatos na matagal ko ng gusto para kay Gianne. At 100 pesos lang!! Hehe. May nakita nga ako na terno na para sa akin ng sapatos na yun eh, kaso inisip ko kasi na pupunta pa kasi ako sa cake supplier at medyo bulky na bitbit ko. Babalikan ko na lang yun pag sale ng Dakki, sa Las Piñas din. Haha. Pati slippers napabili rin ako, 50 pesos lang naman eh kaya go-go sa pagbili.


Shoes - 100 pesos


Slippers - 50 pesos


All in all, success ang lakad  ko sa araw na ito kasi dumaan din ako sa cake supplier na prospect namin ni hubby hehe. At masarap naman siya, kaya mga 1 or 2 weeks before the party eh magdeposit na kami sa kanya.

Excited much!!

Friday, November 4, 2011

Things We Bought @ Divisoria For Gianne's 2nd Birthday Party

Party Hats - 20 pesos / 12 pcs


School Set - 110 pesos / 12 pcs


Bubbles - 9 pesos each


Plastic Lootbags - 18 pesos / 12 pcs


Toys - 100 pesos / 3 pcs


Snakes and Ladders - 90 pesos / 12 pcs


ID Lace - 25 pesos each


Toys - 10 pesos each


Towels - 75 pesos / 12 pcs


Stickers - 5 pesos each


Ribbon - 22 pesos / 1 yard
Plastic - 40 pesos / 100 grams


Extra School Set - 10 pesos each


Tumblers - 10 pesos each


Whiteboard - 10 pesos each


Piñata - 100 pesos