December 4, 2011
Maulan na umaga ang bumangad sa amin pagkagising pa lang. Nagumpisa sa ambon ambon. Pinaglinis ko muna si Jjay ng bahay bago kumain.
Mga around 10:30am eh pumunta kami ni Ken sa SM para mamili pa ng kulang, tasty, chicken lollipops, ice cream, ice cream cone, coke, mantika. Hehe. 12:30 na kami nakauwi sa bahay at maulan pa din.
Pagdating ko sa bahay, aba aba, hindi pa natutulog ang birthday celebrant haha. Nagpahinga muna kami sa kwarto at mga 1:30pm eh nakatulog na din siya. Binilin ko kay Jjay na manghiram na ng lamesa at iclear na ang garahe, may mga nakatambak pa kasi dun eh, yun mga kung ano-anong abubot.
Pina-akyat ko si Jjay ng mga around 2:30pm para pabantayan si Gianne kay Roy para makapaglagay na kami ng balloons. Nagdecide na nga lang ako na balloonderitas na lang ang ilagay kasi kapos na sa oras at maulan din, hindi kami makapwesto. Buti na lang at naisip ko na ang magiging pwesto lahat ng gagamitin namin. Laking pasasalamat sa Smart Parenting Forum. Inuna ko na ang candy buffet, napaka simple lang haha.
Mga 3pm sabi ni Jjay na nagtext sila Mama niya na nasa airport road na pala siya, kaya naligo na muna ako agad dahil nakakahiya naman na hindi pa kami nakakaligo pag dumating sila, nagpainit na rin ako ng tubig para kay Gianne dahil tulog pa naman siya eh. Sakto pagkatapos ko maligo after mga 10 minutes eh sabi ni Jjay na dumating na sila Mama niya saka yun cake. Nagmadali na akong magbihis para makababa na agad.
Andun na nga si Ms. Joanne ng SID's Party Favors at binabayaran na nga ni Jjay. Andun na rin si Mama niya at tumutulong sa pag ayos ng garahe. Sakto naman at naayos na rin nila ang balloonderitas, kaso kinagulat ko ang daming balloons na ginawa. Haha. Nilagay ko na lang sa ilalim ng lamesa ang mga balloons. Sakto rin pagkakulo ng tubig eh gising na si Gianne, ayun iyak ng iyak, ewan ko ba, baka dahil sa bagong gising. Pinaliguan ko na rin after 5 minutes para mawala ang sumpong. Binilisan ko na ang pagpaligo at pagbihis sa kanya at bumaba na kami. Almost 4pm na rin yun, at maya maya pa eh dumating na rin sina Ninong Franz at Ninong Melvin, tumulong pa sila sa pagdagdag ng candies sa pabitin.. Lumabas muna sila Franz at Melvin dahil daw aantayin sila Rodel at Jay-R. Pinalabas din ako ni Tita Lani para ayain na ang bata. Buti nga that time eh tumigil ang ulan. Nun nagtatawag ako ng bata at pabalik na sa bahay eh nakita ko si Gianne, aba naka party hat at naglalakad, F na F ang outfit. LOL!
Mga 4:30pm eh dumating na ang mga bata at pinakain na muna namin dahil wala si Franz at nasa labas siya. Sinerve na namin sa kids ang spaghetti, chicken lollipop, hotdog w/ marshmallow, tasty, saka ang cupcake. After ilang minutes eh dumating naman na sila Franz, hahaha! Pinakain ko na muna sila para busog naman ang emcee hehe. After eating eh niclear ko yun garahe ng mga tables para makapag cake blowing na si Gianne. Medyo nagtopak si Gianne haha. Ayaw dun sa cake blowing. Buti na lang at natapos din. Nag games na din kami agad. Longest happy birthday, pinoy henyo at hi-ro contest for kids. Pero walang papatok sa Dede drinking contests ng mga ninong. Haha. Around 6pm eh natapos na din ang games. Sakto sakto lang din talaga. Hehe. Un mga ninong ni Gianne eh nagstay pa hanggang 9pm, nanood pa ng basketball haha.
Over all , success ang party kahit na madami ang hindi nakapunta pero ok lang din, naging intimate ang party at talagang nakita kung sino ang mga nagmamahal kay Gianne, na kahit rain or shine, pupunta pa din. Many thanks sa mga pumunta! Kahit na aligaga ako sa party at hindi nakakain, ok lang, nakita ko naman na nag enjoy si Gianne with the kids eh. Hindi ko na naisip ang pagod at siyempre ang gastos.
Eto pala ang breakdown ng mga gastos namin for the day
1st Divisoria Trip
[lootbags, prizes, souvenirs, candy clappers, piƱata, pabitin, dress ni Gianne] - 2,073 pesos
Metromall Trip [prizes, shoes] - 255 pesos
DIY Materials - 100 pesos
2nd Divisoria Trip
[balloons, tarp printout, guest sign board, spoon, forks, cups, plates] - 900 pesos
Cake and Table & Chair Rentals of SID's Party Favors - 2,070 pesos
Candies, Biscuits & Zesto in Puregold - 775.25 pesos
Chicken Lollipops, Mantika, Coke, Ice Cream, Ice Cream Cone in SM Sucat - 1,332.56 pesos
Ref Magnets of Unliprintshoppe - 510 pesos
Print out of Invitations - 60 pesos
Pansit of Cucos - 600 pesos
Damit namin ni hubby - 500 pesos
Total Expenses - 9,175.81 pesos
Ang spaghetti eh c/o ng Mama ko tapos yun Embutido, Krema de fruta saka hotdog w/ marshmallow eh c/o naman ng Mama ni Jjay. Can't believed it ito lang ang gastos namin haha. Parang bongga na ang party. Kung hindi lang umulan talaga, malamang eh mas naging bongga pa because of the balloon decorations. Nakatipid din kami dahil nanalo si Gianne sa Milkita, isang supot ba naman ng candies. Hehe.
Sa nag iisa ko na supplier na SID's Party Favors, wala ako masasabi, thumbs up talaga at peso power talaga. Hehe. Sa next party, hindi ako magdadalawang isip na sila pa din ang kunin ko, madaling kausap at on time. Masarap pa ang cupcakes at cake. All praises ang cupcake tower ko nun party ni Gianne.
Na-miss ko lang tuloy bigla ang pagprepare ng party ni Gianne, kaya kahit siguro na nagdecide kami ni hubby na sa 7th birthday na ulet ang party ni Gianne, yan ang hindi natin masasabi. Malay niyo next year meron ulet hahaha!!
You can view pictures here:
Gianne's 2nd Birthday Celebration Pictures
No comments:
Post a Comment