Saturday, October 29, 2011
Divisoria Trip With Hubby
October 29, 2011
We woke up at 6am then nagprepare na kami para umalis papuntang divisoria. At around mga 7am, naka-alis na kami ng bahay. Hinatid muna namin si Gianne kay Tita kasi iiwan namin siya dahil hindi naman namin pwede siya isama dun at maraming tao at may mga bitbit pa kami, idagdag mo pa ang init ng panahon. Pagdating namin dun eh kinuha na siya ni Tita, umiyak nga si Gianne, akala sasama siya sa amin. Nakakaawa nga ang iyak kasi before kami makarating dun eh ang daldal at nakanta kanta pa habang naglalakad kami.
Kumain muna kami ni Jjay sa McDo dahil wala pa kaming almusal, naka-sakay kami ng van, mga 8:45am.
Nakarating naman kami ng Divisoria, mga around 9:30am na siguro. At dun na nagsimula ang aming paglalakbay. LOL!!
Around that time, medyo marami pang tao pero tolerable pa, to think na Divisoria yun, masasabi mo na unti pa lang ang tao. Nagtanong tanong kami kung saan ang 168 Mall, at sa wakas eh narating din namin. Nagmadali kami dun, may kodigo pa nga ako kung san ang pupuntahan namin, pero hindi rin nakatulong. Haha. Nagtanong kami sa Information kung san ang mga damit ng pambata. Ayun 3rd floor daw, buti na nga lang at aircon ang mall kaya medyo comfortable kami. Medyo natagalan din ata kami dun dahil pumili pa kami ng damit at sapatos ni Gianne.
So in the end, nakabili kami ng damit ni Gianne worth 380 pesos, pwede na rin, pasok rin sa theme, dahil polkadots siya. Hehe. May discount na raw yun at bwena mano raw kami. Sinunod naman namin ang sapatos, nakahanap kami worth 200 pesos. Sa sandaling panahon namin dun, hindi ko namalayan na inabot na pala kami ng 11am dun. Malamig kasi, malakas ang aircon. Pero may mga part ng 168 Mall na mahina ang aircon, sabi nga namin ni hubby na baka yun ang lumang mall. Porket mahina ang aircon, lumang mall na. Haha.
Damit Ni Gianne - 380 pesos
Shoes Ni Gianne - 200 pesos
Suprise.. suprise!! Paglabas namin ng 168 Mall... Waaaaa!! Ang dami ng tao, parang mga kabute sa dami.
Nagtanong tanong ulet kami kung san ang Divisoria Mall, lakad ng unti at nakita ko na nga ang Divisoria Mall. Pero bago kami makarating ng Divisoria Mall, may napansin ako na building na kulay orange na may mga nakadisplay na toys at may escalator. Nabasa ko kasi sa SP Forum na yun ang description ng Andings, na may matarik na escalator. At tama nga! Haha. Lumalangitngit pa nga ang escalator hehe. Pag-akyat namin ng escalator, wow!! Puro laruan, naglibot libot kami dun ng unti, eh dahil puro toys ang andun. Eh pansin ko nagtatagal kami dun at wala akong nakikita na pang-lagay sa lootbag like mga school supplies, nagdecide ako na dun muna kami sa Divisoria Mall para dun na tumingin. Sabi ko kasi na wala pa kaming nabibili at bumalik na lang kami dun para sa game prizes.
Tumawid kami at pumunta kami ng Divisoria Mall, nagbasa sa kodigo at nakita ko ang market sa ilalim, sabi ko na dun ang mura na pang-lootbag. Sabi ni hubby, "Diyan? Eh palengke?" Sabi ko na lang na i-try na lang namin para malaman. At pagpasok namin dun, sa right eh ayun may pang party needs. Haha. Tanong tanong ulet kami at nagcanvass, hanggang makarating sa isang dulo, kaso puro per dozen ang bentahan. Eh alanganin ang kailangan namin dahil 15pcs lang ang bilhin namin. So akyat kami sa taas at nagbakasali na baka meron dun tingi.
Ang daming tao na sa loob ng Divisoria Mall, medyo mahina ang aircon, parang fan nga lang, maliliit na pasilio. Hehe. Pero hindi na namin napansin yun dahil nagmamadali rin kami sa oras kasi pag inabot pa kami ng hapon eh lalong mas madaming tao. Sa paglilibot dun at pagcanvass ng prize, mas mura nga sa baba, sa palengke kasi dun sa taas. Bumili na lang kami ng ID Lace para sa consolation prizes. Sa totoo lang, nalibot namin ang buong Divisoria Mall kakahanap dun sa ID Lace, siguro mga 30 minutes hanggang 45 minutes namin hinahanap, as in lahat ng sulok.
ID Lace - 25 pesos each [6 pcs binili namin]
Bumalik kami sa market, may mga towels dun na mickey mouse. Kaso yun tanging meron mickey mouse na towel eh 24pcs ang nasa isang plastic. Eh 3 dozen lang ang kailangan namin. Kahit anong gawin na pilit namin, ayaw pumayag. So akyat na naman kami sa taas para sa towel, may napagtanungan kasi ako na 75 pesos na 1 dozen. Same price lang din dun sa market. Actually yun na ang pinakamura. So sa kakahanap na naman namin dun, inabot kami ng 10-20 minutes. Lakad lakad na naman. Hayy. Nahanap naman namin yun stall na yun tapos bumaba na kami ulet sa market. Binalikan namin yun stall na nacanvass namin na pinakamura. Eto binili namin.
Towel - 75 pesos/12 pcs [3 dozen binili namin]
PiƱata (small) - 100 pesos
Pabitin - 20 pesos
Party Hats - 20 pesos/12 pcs
Lootbags (big) - 18 pesos/12 pcs [24 pcs binili namin]
Stickers - 5 pesos each [15 pcs binili namin]
School Set - 110 pesos/12 pcs
School Set - 10 pesos each [3 pcs binili namin]
Snakes and Ladders - 90/12 pcs
Snakes and Ladders - 10 pesos each [3 pcs binili naman]
Bubbles - 9 pesos each [15 pcs binili namin]
Whiteboard [small] - 10 pesos each [2 pcs binili namin]
Tumbler (small) - 10 pesos each [4 pcs binili namin]
Candy Clappers - 90 pesos/30 pcs
Share ko nga rin pala sa inyo, nun nasa market kami habang naghahanap ng towels na mickey mouse ang design, ito ang sabi ng isang tindero habang nakatalikod kami. "ay hindi na uso yan, angry birds na ngayon ang uso.." Gusto ko nga sana na sagutin pero masisira lang ang araw ko. Kaya pinalampas ko na lang muna. Swerte siya. Hahaha.
After namin makapamili sa Divisoria Mall, pumunta na kami agad sa Andings kasi nun binilang namin ang binili namin, short kami ng 3 major prize at 6 pcs na para sa pabitin na laruan. Hindi na rin kami nagtagal dun, nagtanong ako dun sa pang limang stall na pinasukan namin kung san yun mura lang na laruan, tinuro naman niya.
Jump Rope - 10 pesos
Spongebob na may laman tubig na parang may pindutan - 10 pesos [2 pcs binili namin]
Chess - 10 pesos
Spongebob na puzzle - 10 pesos [2 pcs binili namin]
Tapos nagtanong rin ako un mura lang na toys, sabi ng tindera meron na 3 for 100. Tinuro niya sa akin tapos bumili na rin kami.
Fishing Game
Lego
Cars na toys
Dahil na rin siguro sa kapaguran eh hindi na rin namin sinunod ang theme na mickey mouse pagdating sa prizes. Hehe.
Lumabas na kami ng Andings at nagtanong kung san ang Tabora kasi need ko ng plastic para sa towel lollipops, handle at yun ribbon. Sobrang dami na ng tao ng mga oras na yun, hindi ko na napansin ang oras. Swerte lang namin at yun unang store na pinasok namin eh meron silang ribbon, nakita ko kasi na store sila nun eh. Bumili kami ng 1 yard, 22 pesos siya. Nagtanong kami kung meron silang plastic na binabalot para sa mga souvenir, meron daw sa kabilang store, sa kanila daw yun. Sa isip isip ko, swerte naman at hindi na lalayo. Pumunta kami dun at bumili na kami, may sizing eh, bale 40 pesos, 100 grams. Sabi ko kasi yun unti lang eh. Kasi good for 36 pcs lang naman.
Pink ribbon - 22 pesos/1 yard
Plastic - 40 pesos/100 grams
Nagdecide kami ni hubby na sa supermarket na lang maghanap ng pwedeng handle ng towel lollipop. At dahil nakita ko sa orasan ng store na pinasok namin na 2pm na pala. Naghanap kami ng kainan ni hubby, dun kami kumain sa Jollibee ng Divisoria Mall. Habang kumakain kami, napagdesisyunan namin ni hubby na yun kulang na 3 mugs at 6 keychains eh maghahanap na lang siya kung saan kasi madami ng tao ng mga oras na yun sa Divisoria at madami na kaming bitbit tapos makipagsiksikan pa kami sa daan. Sabi ko rin sa kanya eh maghanap na lang ng ibang way para makapunta sa Lawton kasi kung dun kami dadaan kung san kami nanggaling eh madami ng tao. Kaya ang ginawa niya pagkatapos namin kumain eh nagtanong siya sa guard kung san ang papunta Sta. Cruz. Mga 2 kanto ang nilakad namin hanggang sa may nakita kami na jeep na papunta Sta. Cruz. Maluwag siya kahit 2 kanto yun nilakad namin kesa kung dun kami babalik sa loob ng Divisoria, ay naku good luck na lang sa amin.
Pagkababa namin ng jeep sa simbahan ng Sta. Cruz, sumakay kami ulet ng jeep papunta sa Lawton at mula dun eh sumakay naman kami ng van papunta sa SM Southmall at bumaba sa Casimiro. Pagdating naman namin dun sa bahay ng Tita ko, nabungaran ko na si Gianne at nagtatakbo, may hawak na pog. Infairness hindi siya madungis. Hehe. Pinalitan pala siya ng damit ng ko bago kami dumating. Nun nakita nga niya si hubby na dumating eh tinawag agad pero hindi lumapit, pero nun nakita na ako, ayun lumapit agad. Haha. Buti na lang at hindi niya napansin yun mga dala namin at hindi pinaglaruan. Sabi nga ng Tita ko na madami ang nabili namin at mas bongga raw kesa nun 1st birthday ni Gianne. Sabi ko naman, unti lang ginastos namin diyan saka nun 1st birthday hindi naman napaghandaan mabuti kasi nagkasakit si Gianne nun. Sinabi ko rin na simple lang naman din ang birthday. Sabi naman ng pinsan ko, na pwedeng paglaruan ang mga binili namin kasi pwede naman daw ibalik sa plastic. LOL!
Pagdating namin sa bahay, grabe ang pagod, masakit ang ulo. Pero all in all, ok naman, what an experience. Pag para talaga sa anak, gagawin mo lahat. Gagawin ang hindi mo aakalain na gagawin para sa kanya.
Total ng nagastos namin eh 2,073. Kasama na yun damit na nagustuhan ni hubby na 100 pesos. Wala dun ang kinain namin saka pamasahe. Pero I think nakatipid pa rin talaga. Kulang pa kami ng candies, 3 mugs at 6 keychains. Meron na lang ako na 1 month para magprepare pa ng mga kulang.
Sa totoo lang, habang ginagawa ko itong blog na ito, masakit ang katawan ko. Nun hinawakan ko ang paa ko, may paltos. Haha. Kanina nga nun pag gising ko, wow!! Sakit ng katawan ko, parang ayaw ko nang bumangon. Hahaha.
Nagpapasalamat nga pala ako sa mga SP Moms na nagcontribute ng mga ideas nila about sa party especially yun tungkol sa Divisoria, dahil wala talaga akong kaalam alam dun. Kung wala sila at hindi ko nabasa ang mga post nila, kulang ang isang araw para mabili yun nabili namin ni hubby sa Divisoria Trip namin ni hubby.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment