Recently, I've made an invitation layout for Gianne's 2nd Birthday Party Celebration. Since wala naman akong magawa, kinapa ko ang Adobe Photoshop by searching Google para sa DIY project ko na ito. Sa totoo lang eh may mga kakilala naman ako na pwede ako makisuyo na gumawa ng invitation, and yet, tinuloy ko pa din ang pag gawa ng invitation. Ang main reason ko talaga is wala talaga akong magawa, and instead playing all day sa Facebook, gumawa na lang ako ng invitation.
I started making the invitation layout last October 24, 2011, and after so many edits, I finished it last October 25, 2011. Kahit ako eh hindi makapaniwala dahil first ko nga gumawa through photoshop ng isang image. Ang downside lang eh, nanakit ang daliri ko, specifically my index finger. ^_^
So Here's the output, actually hindi pa final yan dahil as you can see, wala pa si Gianne. Hindi pa namin siya napicturan na suot yun damit. Kakabili lang namin kahapon sa Divisoria ng damit. Well, that's another story di ba. Bago ko nga pala makalimutan, I want to thank sis bernie07mickey of SP Forums, kasi may ginawa siya na invitation, and nakakuha ako ng idea kung saan pwede ilagay ang wordings.